Sunday, October 20, 2013

Ang kwento ni Muning


     Muning! Muning??? psssst.... "Kling kling kling", halika na at kakain na.
Iyan si Muning, ang aming masunuring pusa, parang kulay ng tigre ang kanyang mga balahibo. Mayroon siyang suot na kwintas na may maliit na bells na ginawa pa mismo ni mama. Maglilimang taon na ang nakalipas, nang inuwi ni papa ang napaka among pusa, bitbit niya ito at iniligay sa kanyang bag galing sa pinagtatrabahuan niya. Kaya naman sa tuwing makakakita si Muning ng bag, abay pumapasok agad ito sa loob, may pangyayari nga na pumasok siya sa bag, tapos ang kapatid kong si Hannah ay isinara ito, di namin alam na nasa loob pala ng bag si Muning, hindi rin naman siya nag Meow meow, nahulog ang bag, siguro sa kakalikot niya, pero hindi pa rin namin alam na nandoon siya, siguro mahigit isang oras na siyang nakakulong doon, nakakatawa. Kapag nagugutom lang kasi yun tumutunog eh.

     Sa tuwing mamamalengke si Mama, at nagkataong natutulog ang kapatid ko, palaging binibilin ni Mama kay Muning na huwag munang umalis at bantayan na muna ang kapatid ko, ayun! masunurin nga, nandoon talaga at naka-harang pa sa pinto.
Isa pang kwento na ikinatuwa ko, eh yung may manliligaw ako na hindi ko naman talaga gusto, inihian pa naman niya yung bisita ko, hahaha. Kaya ayun, napilitan nang umalis, Salamat kay Muning. Kasakasama namin siya t’wing lilipat kami ng bahay. Paborito niya talagang kainin ang hilaw na itlog at Potato fries Cheese .

     Ngunit may pagkakataon ding muntik nang mawala si Muning, hindi kasi namin siya pinapalabas ng bahay noon kasi kakalipat lang namin at baka kung lumabas siya ay hindi na makabalik. Nasa isang Youth Camp kami ng kapatid ko at sina Mama at Papa lang ang nasa bahay, pagkagising raw nila ay nawawala na si Muning, buong araw siyang wala at nag-aalala na sila, ngunit hindi nila iyon sinabi sa amin ng kapatid ko kasi baka hindi na kami maka-concentrate sa camp, at alam nilang malulungkot talaga kami, syempre, mahal namin yun eh. Ngunit laking tuwa rin nila at kinabukasan ay may ngumatngat sa paa ni Papa, at sa wakas! Nakauwi talaga siya. Doon pa nila kami sinabihan na nawala pala si Muning noong  isang araw.

     Sya nga pala, lalake si Muning, malamang may gusto to sa'kin. hahaha. Ang papanget naman kasi ng mga nagugustohan niyang pusa eh, basta! Sana makasama pa namin siya ng matagal. Oh sige na at kakain na kami, paalam!




No comments:

Post a Comment