Sunday, September 22, 2013

Inay

Ang paghubog ng isang Ina,
Ay hindi lang sa pisikal, kundi maging sa asal
Sa bisig niya ako'y namulat
Gugma ng Ina, kailanman'y busilak

O aking Ina, ika'y aking gabay
Sa buhay na puno ng sablay
Sa aking paglaki, di ko maatim
Ang paghihirap mo'y aking tatapusin

Ang gugma mo Inay
Ikaw lang ang makagbibigay
Kahit di ko man masabi,
Sana'y iyong mawari
Na mahal kita, mula ulo hanggang paa

Wag akong lisanin,
Iyan sa Diyos ay hiling
Di matatanggap, kung ika'y mawawala
Ika'y ilaw, sa aking puso't diwa

No comments:

Post a Comment